Chapter 5
Chapter 5
NAKAHINGA nang maluwag si Selena nang sa wakas ay sagutin ni Adam ang tawag niya. Napasulyap
siya sa kanyang relo. May labing limang minuto pa mahigit bago ang oras ng pagkikita nila ng binata.
Pero hindi na siya mapakali. Ganoon siya parati sa tuwing may fashion show at ilo-launch ang mga
damit na siya ang nag-design. Kahit pa kampante sa mga likha ay kinakabahan pa rin talaga siya.
Si Adam ang nangakong susundo sa kanya at siyang magiging escort niya sa gabing iyon. Sa tuwing
mayroon silang okasyon na pupuntahan na may kaugnayan sa kani-kanilang mga trabaho kung saan
muli silang haharap sa mata ng publiko ay parati naman siyang nasasamahan ng kanyang fiancé, sa
awa ng Diyos. Sa mga date o personal na lakad lang nila talaga madalas na sumasablay ang binata.
Inipit ni Selena sa pagitan ng tainga at balikat ang cell phone pagkatapos ay pinagkiskis ang
nagpapawis na mga palad. “I’m getting really frantic here, you see.” Idinaan niya sa tawa ang tensyong
nararamdaman. “Are you on your way now?”
“Selena, I’m really sorry. Paalis ako ng office pero sa Singapore ako dederetso ngayong gabi. Biglaan
kasi. Pero pangako, babawi ako sa ‘yo pagbalik ko. I have an urgent meeting with a client. Pero ‘wag
kang mag-alala. I already asked Dean to accompany you-“
Napaawang ang bibig ni Selena. Naglaho ang kabang nararamdaman niya. Sa halip ay ibang uri ng
panlalamig ang lumukob sa kanya. “Anong sinabi mo?”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Adam sa kabilang linya. “I’m really sorry, sweetheart-“
“Parating dumaraan ang pasko at bagong taon. Doon lang tayo nagkikita ng maayos at may mga
kasama pa tayo. Hindi pa ‘yon nagtatagal. Dumaraan din ang Valentine’s Day. Siyempre, mero’ng
celebration sa company kaya nagkakasama uli tayo. But during those times, you were busy talking with
colleagues or even with your clients again.” Wala sa loob na wika ni Selena. “Dumaraan parati ang
birthday ko. Minsan, pumupunta ka. Madalas, wala ka.
“And then there were our dates. Kung hindi ka nali-late, hindi ka naman dumarating. O kung dumating
ka man, nagmamadali ka pang aalis. Madalas, si Dean ang nakaka-date ko. Noong nakaraang araw
ang appointment natin sa wedding planner, wala ka rin. Si Dean na naman ang pinapunta mo. Kami ba
ni Dean ang ikakasal?”
“Selena-“
“Is it too much to ask to become one of your priorities? Kahit hindi naman top priority. Kahit maging
pangatlo o pang-apat lang ako sa mga priorities mo, tatanggapin ko.” Namasa ang mga mata ni
Selena. “Pero Adam, sobra-sobra naman na ‘to. Sa lahat ng mga naging pagkukulang mo, wala kang
narinig sa akin. Kasi mahal kita kaya tinatanggap ko ang lahat ng kaya mo lang ibigay. Pero hindi
naman parating magbibigay lang ako ng magbibigay ng walang natatanggap kahit katiting lang na
pagpapahalaga. Nauubos din ako, Adam. Napapagod din ako.” Halos pabulong na dagdag niya bago
niya pinindot ang end call.
Nanghihinang naupo si Selena sa couch. Sumandal siya sa backrest at mariing ipinikit ang mga mata.
Maliit na bagay lang kung tutuusin ang fashion show para sumama ang loob niya ng husto. Wala
namang kaso sa kanya ang makasama si Dean lalo na ngayong mas palagay na ang loob niya sa
binata at magkaibigan na sila.
Pero iyong mga maliliit na bagay na hindi nagagawa ni Adam para sa relasyon nila, kapag pinagsama-
sama ay lumalaki nang lumalaki. Ang masama pa roon ay walang ginagawa ang binata para
solusyunan man lang ang problema nila. Ayaw ba talaga siya nitong pakasalan? Kung ganoon ay bakit
hindi na lang nito sabihin? Kusa ba siyang pinapasuko nito para siya na lang ang umayaw? Dahil nang
mga oras na iyon, natutukso na si Selena na gawin iyon. Natutukso na siyang sumuko.
Sa bawat pagkakataon na binabalewala siya ni Adam, nakakaramdam siya ng panlalamig sa loob niya.
At sa halip na mabawasan iyon ay para bang lalo pang nagyeyelo ang puso niya. She wanted so badly
to make their relationship work but Adam was not helping her. Pero ano nga ba ang iwo-work out nila?
May relasyon nga ba talaga sila? Yes, they kiss. They hug. They hold hands. But only in front of the
public.
At hindi na kaya ni Selena ang ganoong sitwasyon. Natatakot at napu-frustrate na siya sa tuwing
hinahawakan siya ni Adam para lang bitawan din sa huli.
Nang may marinig siyang nag-doorbell ay ni hindi siya kumilos para buksan ang gate. Nasisiguro
niyang si Dean ang dumating. Pero hindi na siya sigurado kung gusto niya pa ring tumuloy sa fashion
show. Mahusay at maaasahan ang secretary niya. Pwede niya itong pakiusapan kung sakali.
Sanay na si Dean sa kanya. Dahil nagkakaganoon siya parati sa tuwing nagkakaproblema sila ni
Adam. Kaya gaya ngayon ay kusa nang binuksan ng binata ang gate. Mababa lang iyon kaya madaling
maabot nito. Hindi nagtagal ay narinig niya na ang mga yabag nito palapit sa kanya.
“Selena.”
Dahan-dahang nag-angat ng mukha si Selena nang marinig ang pamilyar at masuyong boses na iyon.
Sumalubong sa kanya ang anyo ni Dean na naabutan niyang nakasandal sa gilid ng pinto na kanina
niya pa binuksan sa paghihintay kay Adam. Dean looked dashing in his black suit. Nadidismaya sa
sariling napailing siya. Sa kabila ng iniinda ay nagawa niya pa talagang punahin ang bagay na iyon. noveldrama
“How can I make you feel better?”
Agad na nag-init ang mga mata ni Selena sa tanong na iyon ng binata. Bago niya pa mamalayan ay
pumatak na ang mga luha niya. “Pwede mo bang gawan ng paraan ang puso ko para hindi na siya
mahalin?” Napasigok siya. “Kasi ang sakit-sakit na.”
Gaya nang dati ay lumapit sa kanya si Dean. Itinukod nito ang isang tuhod sa carpet. Maingat na
tinuyo ng mga kamay nito ang mga luha niya. “Sana nga ay kaya kong gawin ‘yon, Selena. But do we
ever stop loving someone? Parang hindi naman yata. I think we just learn to get used to the feeling of
not being with them, of not having them in our lives.
“Dahil kapag nagmamahal ka, parating may tipak ng puso mo na maiiwan para sa taong iyon, aminin
mo man o hindi. Kaya nga ang swerte ng mga taong minamahal natin.” Bumuntong-hininga ang binata.
“Imagine they hurt us, made us cry and frustrated the hell out of us and yet, they still gain a piece of our
hearts. It sucks, I know. But that’s the freaking reality.”
“God… Dean.” Naisubsob ni Selena ang mukha sa kanyang mga palad. “Ayoko na ng ganito. Ayokong
masanay na nagkakaganito. Baka mabaliw ako.”
Marahang inalis ni Dean ang mga palad ni Selena na tumatakip sa kanyang mukha. “Anong
magagawa ko para sa ‘yo?” Para bang nag-aalalang sinabi ng binata. “Tell me what I can do for you.”
“Distract me.” Nabasag ang boses ni Selena. “Distract me, please-”
Hindi na natapos pa ni Selena ang mga gustong sabihin. Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na
lang sakupin ni Dean ang kanyang mga labi. Umawang ang kanyang bibig sa pagkabigla na para bang
sinamantala naman ng binata para lalo pang palalimin ang halik. Nakatulala lang siya rito habang
nakapikit ito at patuloy na hinahagkan siya. That was her first… real kiss. Iyong uri ng halik na hindi
dampi lang na tulad ng ibinibigay sa kanya madalas ni Adam.
Mayamaya ay wala sa loob na naipikit ni Selena ang mga mata. Naramdaman niya ang muling
pagpatak ng kanyang mga luha na hindi niya na sigurado kung para saan. Dahan-dahang tinugon niya
ang bawat halik ng binata.
What do you think?
Total Responses: 0